Patungkol sa programa ng "Sana"

Ang programa ng "Sana" ay para sa pagtuturo ng mga prinsipyo ng mga Batas ng Islam

Ang programa na “Sana” ay para sa pagtuturo ng mga prinsipyo ng mga Batas ng Islam ay isa sa mga virtual na pasilidad na pang-edukasyon, na naglalayong ilapit ang kaalaman sa Islam sa mga nahihirapang maabot ito dahil sa kaibahan ng kanilang wika o sa pagiging bagong Muslim, o para sa yaong may problema sa lugar na tinitirhan o dahil sa dami ng kanilang pinagkakaabalhan araw-araw na bumubuo ng isang hamon sa pag-aaral ng kapaki-pakinabang na agham, o para sa mga nahihirapan na matuto sa mga Batas ng Islam dahil karamihan sa mga pinagmumulan ng pag-aara nito ay walang makabagong mga pamamaraang pang-edukasyon, at sa parehong pagkakataon mayroon silang pagnanais, kagustuhan at kakayahang makinabang mula sa mga pinakabagong teknolohiya sa pag-aaral.

Nag-aalok ang programa ng mga kursong nauugnay sa pagtuturo ng mga Batas sa Islam, ganun din ang mga panayam ng kamalayan, pati na rin ang nilalamang pang-edukasyon para sa mga mag-aaral. Ang programa ay nag-isponsor ng mga bagong Muslim at naghahangad na pangalagaan sila at itaguyod ang mga turo at prinsipyo ng tunay na relihiyon, gayundin ang pagtuturo sa kanila ng mga pundasyon ng pagsamba at mga ritwal at pagpapatibay ng tamang paniniwala sa kanilang mga puso.

Pagbabago ng tradisyunal na kurikulum na nakabatay lamang sa papel

Pagbabago ng tradisyunal na kurikulum na pang-edukasyon na nakabatay lamang sa papel tungo sa kaakit-akit na teknolohiya na naglalaman ng orihinal na paksa ng kaalaman upang makamtan ang nilalayon at ninanais

Lumampas sa heograpikal na lugar

Lumampas sa limitadong heograpikal na lugar upang makaabot ang pagpapahayag ng relihiyong ito sa lahat ng bahagi ng mundo..ang matinding pangangailangan na ihatid ang dalisay na Kaalamang Islamiko sa iba’t ibang bansa sa mundo upang maalis ang kamangmangan sa kanila.

Kagaanan na maipaabot ito sa mga tao at kumbinsihin sila sa relihiyong ito

Pagkakaroon ng isang dalubhasang administratibong kawani sa pangangasiwa sa programang ito nang higit sa 20 taon.